Rebound

R

Ating nasimulan, hanggang dito nalang pala
Dibdib ko tila parang tinamaan ng bala
Ewan ko ba, bakit ngayo’y di pa rin nadadala
Kinaya kong tiisin kahit ang sakit sakit na

Ang akala ko’y di mo na siya babalikan pa
Umasa ‘ko dahil ang sabi mo, “Ayoko na”
Ayaw mo na sa walang tigil niyong pagtatalunan
Puro sagutan, hindi na nagkakaintindihan

Naniwala akong ako’y pahahalagahan
Pero heto, para sa kanya kaya’t iniwan
‘Wag kang mag-alala, wala akong pinagsisisihan
Dahil sayoý nasaktan pero may bagong natutunan

Sa sandaling iyon, tunay akong sumaya
Naramdaman ng puso’y wala nang hihigit pa
Ngunit ang pinili mo ay saya kasama siya
Ngayon alam ko na, ako’y REBOUND mo lang pala

Add comment

About This Site

Poetfreak is a social platform for poetry publishing where we focus on writing and reading poems, nothing else! It is powerful, growing, and creative. To share your poetry start with “Add New” button.