Katulad ng Jerusalem ang ganda mong tinataglay
Tila tirsang may pang-akit ang iyong kagandahan
Nang iyong ititig ang mga mata mong mapupungay
Di ako mapalagay!
Babaeng sakdal ganda ikaw ay kaibig ibig
Nawa’y ako’y iyong ibigin
Dalisay at wagas ang aking pag-ibig.